KAGANDAHAN NG ISANG MAUNLAD NA LIPUNAN
Ano ang isang maunlad na lipunan?
Para sa akin ang isang maunlad na lipunan ay isang komunidad na may kalayaan at may kakayahan na mamahala sa sarili nito. Ito ang komunidad kung saan makakamit ng mga tao ang kanilang maga karapatan at pangangailangan.
Sa maunlad na lipunan lahat ng mga tao ay nagtutulong-tulong upang itaguyod ang kapayapaan at katiwasayan ng pamumuhay.
Magandang Katangian ng Muanlad na lipunan
- Maunlad na Agrikultura
- Mataas na Teknolohiya
- Edukadong Mamamayan
- Kalusugan
- Mataas na Employment Rate
- Epiktibong Pamahalaan
Maunlad na Agrikultura
Sa isang maunlad na lipunan nautugunan ng agrikultura ang halos lahat na pangangailangan ng tao. Sa pamamagitan ng pagtatanim at pag-aalaga ng hayop nakatustus ito sa ating pangangailangan mula sa pagkain hangang sa mga hilaw na materiales na kailangan sa industriya. Sa maunlad na agrikultura naiiwasan ang “Food Shortage” dahil sa epektibong pagpoprodyus ng mga produkto.
Sa pamamagitan ng maunlad na agrikultura nagagawa ng lipunan na makipakalakalan ng mga produkto na maaring pagkikitaan ng lipunan.
Mataas na Teknolohiya
Sa pagtuklas ng mga bagay, nagiging simple at madali an gating pamumuhay. Isang halimbawa ng bansang may mataas na lipunan ay ang Bansang Japan. Ang Japan ay ay isang maunlad na bansa na kilala sa kanilang mataas na teknolohiya. Isang kagadahan ng maunlad na lipunan ang mataas na teknolohiya.
Edukadong mamamayan
Maunlad ang isang lipunan kapag ang lahat ng mga mamamayan dito ay may pinag-aralan kaya kinalangan natin ng edukasyon. Edukasyon ay susi sa kaunlaran ng isang lipunan.
Kalusugan
Ang magandang kalusugan at ang kalinisan ay hindi lamang nagpapaganda ng isang lipunan, ito din ang umiiwas sa sakit at iba pang problemang pangkalusugan sa lipunan. Kapag malayo sa kasakitan ang mamayan mas lalo nagging epektibo sila sa gawain. Sa pamamagitan ng pagtayo ng mga ospital at mag klinika at sa tulong ng mga doctor mas napapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan dahil ang isng maunlad na lipunan ay mayroong malulusog na mamamayan.
Mataas na Employment Rate
Sa tulong ng edukasyon, nakakapagtapos ang maga kabataan at nagkakaroon ng magandang trabaho. Kapag maraming mamamayan ang may trabaho tumataas ang Employment Rate. Kapag lahat ng tao ay may trabaho na may magandang sweldo kaya na nilang matutugunan ang kanilang mga pangangailangan at maaring wala nang maghihirap pa sa kawalan ng trabaho, iyan an kagandahn ng isang lipunan kapag lahat ay may trabaho
Epektibong Pamumuno ng pamahalaan
Nagiging maunlad ang isang lipunan dahil sa epektibong pinuno ng lipunan kaya ang isang maunlad na lipunan ay mayroong pamahalaan para mamamahala ng lipunan. Sa tulong ng pamahalaan nagiging organisado ang isang lipunan at nagiging mapayapa dahil dito napapahalagahan ng mga tao ng kagandahan ng isang maunlad na lipunan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento